Saturday, October 13, 2012

A Companion of my Journey


Life is just like a long journey. It takes patience and hardwork before you succeed. And once you start to walk there's no turning back.
In that walk, dont you know that math is your companion? It helps you move from one time to another. Just for example, imaging yourself, years and years passed by and still you have the same age as last, last year, isn't that ackward that you dont grow and increase in age? Do you also now a person decreasing in age instead of increasing as time goes by?.. Come to think of it, without numbers or shall we generally say, without math, life will be hard for you... Simply when buying or when you give change to a person, it will give you a hard time especially when you dont know how to add or subtract.
Like I said, life is a long journey and it takes patience before succeeding, so, if you really want to succeed, you will give time to learn even if how long the journey would be.

Friday, October 12, 2012

MATH... A Teacher of Life


Ang buhay.. Para bang laro lang yan ng patintero..
Sa patintero..Minsan masaya dahil nakakapasok ka at nananalo.. At malungkot kapag di mo malampasan ang sinumang humaharang sayo..
Sa tunay naman na buhay... Masaya dahil kahit anu mang problema na humahadlang sayo, ay lumalaban ka at humahanap ka ng solusyon para malampasan mo ito, pero mas masaya kapag nakakatulong ka pa sa iba. Malungkot naman kapag may problema ka na, ay dinadagdagan mo pa dahil nauubusan ka ng lakas ng loob at tiwala sa sarili para malampasan ito, at dahil dito ay sumusuko ka na agad...

Hindi ko alam kung paanu ko icoconnect ito sa math... pero ang alam ko lang ay.. Ang math hindi lamang nagtuturo tungkol sa pag-add o pag-minus ng mga numbers kundi nagtuturo din ito kung paanu tayo mabuhay ng mabuti at marangal..
Sa math, binibigyan tayo nito ng problema pero tinuturuan pa din tayong sagutan ito, ibig sabihin, kapag  marunong kang sumagot sa problema mo sa math, ay marunong ka rin na sumagot sa sarili mong problema sa tunay na buhay.
Sa math, kahit nakuha na natin ang tamang sagot, ay tinuturuan pa din tayong i-to-check ito.. Kung nagagawa mong mag-to-check sa math, siguro naman ay marunong ka ding mag-to-check sa tunay na buhay dahil iwas din ito sa kahit anu pa mang kapahamakan..
Sa math, kung marunong kang umulit at palitan ang mali mong sagot, ay magagawa mo ding magsimula muli ng bagong buhay kung sakali mang nagkamali ka dati.
Marami pang maituturo ang math sa atin... At dahil sa first year high school student pa lamang ako, ay kunti pa lang ang nalalaman ko, at nais ko pang matuto, hindi lamang sa math kundi sa lahat ng subjects pa..

Ang problema ay hindi hadlang sa buhay, dahil sa totoo, tumutulong pa nga ito na umangat tayo..

Saturday, October 6, 2012

Happiness over Haggardness

haha Nakakapagod ang week na to... Hindi lang dahil sa exam kundi patong-patong ang mga activities namin ngayon... Haggard! Pero kapag pisayano ka, marunong ka dapat ng multi-tasking... Kailangan hati-hatiin mo oras at katawan mo para magawa mo lahat ng ito...
Isang kamay para sa exam.. Isang kamay para sa Laro ng Lahi... Isang kamay para sa pag-pass ng mga projects... Isang kamay para sa teachers's day celebration (ay! oo nga pala... Happy Teachers Day po sa lahat ng mg teachers..).. At isang kamay para sa intrams next week... Pagod man kami sa una, pero sa huli makikita mong maganda pala ang kakahinatnan nito...

Parang sa math lang... Sa una kapag di mo alam gagawin mo, mahihirapan ka.. Pero sa pagdaan ng panahon at nagsumikap ka para tutunan ito..
Tiyak na lilingon ka lang at tatawanan ang mga problema mo noon na minsan ay nagbigay sayo ng sakit ng ulo..
YESSSS!!!!! Lumipas na ang exam week... At matatapos na naman ang 2nd grading period.... Natapos na nga naman ang pamomroblema ko tungkol sa mga periodic exams pero may bago na naman kaming kaaabalahan ngayon... INTRAMS na next week.... Gudluck sa amin... Sana kahit tatlong higher years ang kakalabanin namin ay di mawala ang aming pananaw na manalo...

Eme girls version of MADELINE



In an old house in paris that was covered with vines,
Lived twelve little girls in two straight lines
They left the house, at half past nine..
And the smallest one was MADELINE..

hmm... correction lang...
Lived 10 little girls in two straight lines..
Actually.. If all the eme girls, did not insisted that I should be the mother superior, then the two lines would not be equal, because it would be, 10 is to 11...  
(hirap ng math namin ha.. hehe joke lang)

another correction...
They left the dormitory, in half past six...
diba dapat ang mother superior ang gigising sa 10 girls...ang nangyari naman sa amin... Ung mother superior tuloy ung sinusundo ng 10 girls sa room nya before umalis ng dormitory kapag 5:30 ng umaga at 5:30 ng hapon para kumain sa canteen...



FUN.. FUN.. FUN..
WE LOVE OUR BREAD
WE LOVE OUR BUTTER
BUT MOST OF ALL,..
WE LOVE EACH OTHER

Saturday, September 29, 2012

Think.. Pair.. Share..



A problem takes time to be solved.. And you need a friend to help you with it... A friend that will never leave your side, a friend that will not fail you, a friend that will give you advice, and a friend who will think, pair and share with you....


Think:     Pakatapos ng class hour, kung may oras pa...  canteen ang madalas na hantungan namin... sabay sabay na kumain sa iisang mesa, kaya minsan ay napupunta kami sa usapan at pagpaplano-plano tungkol sa mga assignment na binigay sa amin... pakatapos naman ng pagpapakabusog ay magpapaka-eager sa library..

Pair:       Sa library na kami maghihiwa-hiwalay dahil pupunta na kami sa kanya-kanya naming ka-pair, yun nga lang kung wala yung ka-pair mo.. Dito na namin sasagutan ang ibang items ng assignment, minsan  nagreresearch, at minsan kung wala masyadong ginagawa, diretso na kaming nakikipag-chat (not literally means na chatting with friends sa net kundi nakikipag-usap lang).. Kung tinatamad na, sabay-sabay na ulit kaming pupunta sa girls dorm at kita kita nalang sa lobby kapag nakabihis na at ready na para busugin ulit ang tiyan.

Share:       Gabi-gabi, sa oras ng study period (or shall we call it stu. ped.), dito na namin tatapusin ang mga assignment, kung hindi na naman matapos ay gayahan nalang pagkabukas (de joke lang) heheh :))).. Lahat ng mga solutions namin ay ipagdedeferenciate at itatama kung anu man ang pagkakamali namin...
                  Pero hindi lamang tungkol sa problem sa math ang pinagshashare namin kundi pati na din ang mga problema namin araw-araw, tulad na lamang ng mga kaaway, kainitan ng ulo, kasamaan ng loob, at kung anu-ano pa... kahit nga between sa amin ay nagkakainitan din kami ng ulo dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan eh... pero normal lang, nagkakabati naman.. Kasi paano ka magkakaroon ng magandang kaibigan kung iiwan mo lang naman sila lahat...
                  Kaya maging maayos sana ang samahan naming tatlo... Chlea... Len... and me... :))

Sunday, September 16, 2012

It's more emezing here in Emerald:))


Masayang tingnan ang pamilyang sama-sama
Na nagtutulungnan sa kahit anong problema
Naninirahan sa tahanang puuno ng ligaya
Tahanang aming tinawag na Esmeralda

Sa oras ng problema
Lahat ay nagkaka-isa
Iba-ibang payo ay ibinibigay ng bawat isa
Upang problema ay agad na maitama
At huwag ng hayaang lumala pa.

Tulad na lamang sa math,
mas maiging marami kang alam na solusyon
kaysa sa mabigo sa blankong konklusyon.

Ngunit kahit problema ay dumating,
sila ay kapit-bisig pa rin.
Mga ngiti sa bawat mukha ay hindi makakalimutan
Dahil pagwawasto ng mali ay nais na makamtan.

Sa math....
Kung minsan man ay nagkakamali
Huwag pa rin kakalimutang ngumiti
Dahil ito'y tanda ng pagsisimula muli
Upang itama ang iyong pagkakamali.