Masayang tingnan ang pamilyang sama-sama
Na nagtutulungnan sa kahit anong problema
Naninirahan sa tahanang puuno ng ligaya
Tahanang aming tinawag na Esmeralda
Sa oras ng problema
Lahat ay nagkaka-isa
Iba-ibang payo ay ibinibigay ng bawat isa
Upang problema ay agad na maitama
At huwag ng hayaang lumala pa.
Tulad na lamang sa math,
mas maiging marami kang alam na solusyon
kaysa sa mabigo sa blankong konklusyon.
Ngunit kahit problema ay dumating,
sila ay kapit-bisig pa rin.
Mga ngiti sa bawat mukha ay hindi makakalimutan
Dahil pagwawasto ng mali ay nais na makamtan.
Sa math....
Kung minsan man ay nagkakamali
Huwag pa rin kakalimutang ngumiti
Dahil ito'y tanda ng pagsisimula muli
Upang itama ang iyong pagkakamali.

No comments:
Post a Comment