Friday, October 12, 2012

MATH... A Teacher of Life


Ang buhay.. Para bang laro lang yan ng patintero..
Sa patintero..Minsan masaya dahil nakakapasok ka at nananalo.. At malungkot kapag di mo malampasan ang sinumang humaharang sayo..
Sa tunay naman na buhay... Masaya dahil kahit anu mang problema na humahadlang sayo, ay lumalaban ka at humahanap ka ng solusyon para malampasan mo ito, pero mas masaya kapag nakakatulong ka pa sa iba. Malungkot naman kapag may problema ka na, ay dinadagdagan mo pa dahil nauubusan ka ng lakas ng loob at tiwala sa sarili para malampasan ito, at dahil dito ay sumusuko ka na agad...

Hindi ko alam kung paanu ko icoconnect ito sa math... pero ang alam ko lang ay.. Ang math hindi lamang nagtuturo tungkol sa pag-add o pag-minus ng mga numbers kundi nagtuturo din ito kung paanu tayo mabuhay ng mabuti at marangal..
Sa math, binibigyan tayo nito ng problema pero tinuturuan pa din tayong sagutan ito, ibig sabihin, kapag  marunong kang sumagot sa problema mo sa math, ay marunong ka rin na sumagot sa sarili mong problema sa tunay na buhay.
Sa math, kahit nakuha na natin ang tamang sagot, ay tinuturuan pa din tayong i-to-check ito.. Kung nagagawa mong mag-to-check sa math, siguro naman ay marunong ka ding mag-to-check sa tunay na buhay dahil iwas din ito sa kahit anu pa mang kapahamakan..
Sa math, kung marunong kang umulit at palitan ang mali mong sagot, ay magagawa mo ding magsimula muli ng bagong buhay kung sakali mang nagkamali ka dati.
Marami pang maituturo ang math sa atin... At dahil sa first year high school student pa lamang ako, ay kunti pa lang ang nalalaman ko, at nais ko pang matuto, hindi lamang sa math kundi sa lahat ng subjects pa..

Ang problema ay hindi hadlang sa buhay, dahil sa totoo, tumutulong pa nga ito na umangat tayo..

No comments:

Post a Comment